
Mahirap mabuhay sa isang mundong puro alikabok. Kasama ang mga taong hindi marunong umintindi. Hindi nila alam ang salitang kalayaan. Hindi nila pinapahalagahan ito. Hindi rin nila ibinibigay ito sa ibang tao. Napakahirap. Masama sa pakiramdam.
Naranasan nyo na ba ang mahusgahan at pansinin ng ibang tao ang pagkakamali ninyo? Naranasan nyo na bang maramdaman na hindi ka malaya sa isang mundong ginagalawan ninyo? Naranasan mo na bang magpakatotoo lamang sa iyong nararamdaman dahil alam mong ito ang gusto mo at ito ang alam mong tama? Ngunit sa kabila ng iyong pagpapakatotoo, marami ang nagalit sa iyo, marami ang nagbago ang tingin sa iyo bilang isang tao at bilang isang ka-miyembro ng isang grupo. Kung ako ang tatanungin mo, oo ang isasagot ko. Naranasan ko ng pansinin ng ibang tao dahil sa nagpakatotoo lamang ako.
May tatlong grupo, kabilang ako sa Group 1. Nagkaroon ng isang laro. Ang mananalo sa larong iyon ay ang makakakuha ng pinakamaraming boto sa tatlong grupo. Magtatakip ng mata at itataas ang kamay kapag binanggit na ang grupo na gusto mong iboto at manalo. Bibilangin ng mga secretary ng bawat grupo ang nakuhang boto ng kanya-kanyang grupo. Binoto ko ang Group 3 dahil sa pansarili kong opinyon na mas deserving talaga silang manalo dahil napag-isipan nila ng mabuti ang kanilang presentasyon at nagustuhan ko syempre iyon. Ngunit napag-alaman ko, na ako lang pala ang hindi bumoto sa aming grupo upang manalo. Lahat ng mga ka-grupo ko nag-iba ang tingin sa akin. Parang binibiro-biro nila ako na hindi ko raw sinuportahan ang aming sariling grupo. Isa raw akong taksil. Srsly, kailan pa naging pagtataksil ang pagpapakatotoo? Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit naging ganun ang reaksyon nila sa ginawa ko. Diba isang malayang bansa naman ang Pilipinas? Ngunit bakit hindi ako pwedeng maging malaya sa pagpapahayag ng sarili kong pananaw at opinyon sa mga bagay-bagay. Bakit naging isang taksil ang tingin nila sa akin? Inaamin ko naman na na-appreciate ko rin ang aming sariling presentasyon ngunit mas tumatak talaga ang kabilang grupo para sa akin. Mahirap mahusgahan. Mahirap ding magpakatotoo. Mahirap din mabuhay sa isang sitwasyon kung saan ay hindi ka naiintindihan ng mga taong kasama mo sa mundong puro alikabok. Nasaan ang kalayaan ng pagpapahayag ng totoong nararamdaman at saloobin sa buhay? Nasaan?
Pinagkuhanan:
www.tumblr.com
www.google.com
www.wikispaces.com